anyare?

makiki-epal lang sandali! :) di naman ako apektado at wara rin akong pakialam sa status at post ng iba na nagkalat kahapon at ngayon (sana wala na bukas)..

pero ito lang sakin! mukhang mag epedemya nanaman ng “sakay sa uso” at nawawala rin sa katinuan ang karamihan ng pinoy.. ang daming sumakay sa election ng US parang sobrang apektado ang kanilang kakainin kung sino ang mananalo..

oo,nga! andyan na tayo! oo,sakop ng US ang ating bansa at saka pag-iisip hanggang sa ating kalamnan.. pero naman! mas binigyan ba nila ng pansin yung sarili nating mga problema? kung panu tayo tratuhin ng tsina, anyare? nung ipinasa ang cybercrime law anyare? yung di makausad ng sin-tax bill & anti-dynasty bill, anyare? yung 57 na pinatay ng magunidanao, anyare? yung mga epal na kanditato na lantaran sa kurakot,anyare? at dami-daming problema sa bansa na di manlang inusisa at mas iniyakan pa ang “walang hanggan” ANYARE? :)

Fontina

MODEL: Fontina Gracia 
MUA: Jera Mie / jera
PHOTO/PP: Tolin 
LOCATION: Gail’s room

sayang may TRO ang SC laban sa cybercrime law.. ready na sana uniform ko kung sakali!:)
 

kayang bumili, pero di kaya manual!:)

YOH! para sa mga taga UEP malapit na ang “Kustomays PISO-PISO internet cafe” 
TAMA! peso lang 4min. na!.. pwedi na makasilip sa wall ng crush mo at maka shout kung anung kinakain at suot mo ngayon.. at kung may minuto pa pwedi kapang maka comment ng “elhow poh” sa nagkakalat na pictures sa wall mo.. kaya kung malapit ka sa campus at bitin ka sa budget saka gusto mo walang hassle dumiretso ka lang mula sa basic education pag lampas ng palsky makikita mo agad kami sa kanto.. magdala ka ng maraming peso.. oh! sya nga pala pwedi rin singko 20minutes..

OPEN na kami nextweek!:)

di ako sanay magsulat ng emosyon.. diko rin alam isulat ito..ang alam ko lang umiyak at tumatak sa isipan ko ang bigat.. sa haba ng sinulat ko kanina napalitan ng isang piktyor na mas malalim pa ang sinasabi..diko alam bat ganon.. ayaw kung alamin.. sobrang ayaw ko..

bat ganun? daming namamatay na mabubuting tao.. bat ganun? hmp

The Red Riding Hoods

A Shutter Sundays Photography Funshoot
Location: UEP Scout City
Model: Jalex Diaz & Pia Tuan
HMUA: Jera Mie

Gail Tobes for Kustomays-UEP

Funshoot for Kustomays-UEP

model: Gail Tobes (Ms. Northern Samar 2012)
HMUA: jera 

Suckers 1986-2012

isa nanaman ay nalagas sa kinabibilangan kung hanay! diko alam kung ano reaksyon ko sa bawat ganitong pangyayari.. siguro di naman ganun ako ka senti sa ganitong bagay-bagay dahil lahat naman tayo ganito rin kahahantungan sa kalaunan.. ang nagkakaiba-iba nga lang tayo ang mawawala sa eksina..

subalit diko parin mailugar ang aking isipan kung anu ang meron sa kabila ng kinahahantungang ganito? sabi nila langit, empyerno, porgatoryo, nirvana, babalik sa ibang katawan/anyo, at marami pang haka-haka na kumikiliti sa isipang nabubuhay.. pero wala pa naman galing don na nakapagsabi kung anu meron.. ano nga ba? ang iba kasi sobrang pangamba at paghahanda para sa kabilang buhay at nalilimutan na nila ang obligasyon nila samantalang buhay pa..

pero ibahin nyong taong ito.. sinulit ang bawat minuto ng buhay na palaging masaya/kasiyahan.. sa sobrang masayahin nya ay walang nag isip ng paghihinayang sa kanyang pag-panaw.. alam kung masakit ang mawalan ng kakilala, kaibigan at lalo na mahal sa buhay.. subalit ang sumasagi saaking isipan ay galak na natapos na ang kanyang pakikipagsapalaran sa masalimot na buhay sa daigdig, tapos na ang pakikibaka sa suliranin at balakid sa bawat yugtong dumaraan, tapos na ang pagkukunwari at pag-patangay sa agus ng nakakarami, tapos na ang masasalimoot na tadhanang nagpaparupok sa matitibay na dibdib, at tapos na ang paglalason sa hininga at sa murang isipan na namulat sa makamundong sistema..

ang mas inaalala ko ngayon ay tayong mga naiiwan pa, tayong sasabak sa matitindi pang paghapon, tayong matatapang at mahihigpit sa pagkakapit.. kaya salamat suckers.. panuorin mo kami sa aming landas.. alam kung hindi kami kasing tibay mo.. pero alam mong kayang-kaya parin namin kahit papano.. hintay ka lang dyan.. hanggang sa muli…